Sunday, January 14, 2007

14 January 2002


Maging ang pinakakarinding tunog

Ay may hatid na musika sa damdamin
Ang lamig ng hanging-amihan
Ay ligamgam na bumubukal sa puso

Ang payapang umaga ay may hatid na pag-asa
Sa pusong kay tagal ding naghintay
Ang ngiti sa labi ay di lumilipas
Gaya ng mga alaalang di pa rin kumukupas

Kahit ang rebolusyon ay hindi piging
Hindi libingan o karera
Ang pusong naglilingkod sa masa
Higit na ang tamis ng pakikibaka

Pag-ibig ay iuugat sa sambayanan
Ang ating tunay at matatag na sandigan
Gagabayan ng prinsipyo at adhikain
Hanggang sa tagumpay ay ating marating.