Kung nanghanyuhay ka man mula sa tadyang
Naniniwala akong matatag ka’t matibay
‘pagkat sa tadyang na hinugot ni Bathala
naroon ang lakas at diwa
Ng Adan na sa iyo raw pinaghanguan
Ayon sa Banal na Kasulatan
Ngunit kung sa Adan ka nga nagmula
Bakit ikaw ngayon ang nagluluwal ng mga Adan?
Kung totoong marupok ka at mahina,
Bakit maraming makikisig na Adan
Ang sumamba’t sumuko
Sa taglay mong katauhan?
Kung ikaw nga’y bahagi ni Adan
Taglay mo din ang lakas ni Adan.
Di ba’t ang tapyas sa bato ay bato?
At ang kaputol na bakal ay bakal?
Kaya dahil si Adan ay tao
Tao ka ring may kakanyanhang dangal
Naniniwala akong ika’y malakas
‘pagkat bukal ka ng lakas
Sa kapwa natin pagsusulong ng digma
‘pagkat kapwa nating iniibig ang paglaya.
No comments:
Post a Comment