Ilang beses ka na bang naapakan?
Napag-iwanan?
Na sa bawat pagtakbo ng ilan,
sa pagmamadali ng karamihan,
ika'y nananatiling nariyan,
Nakayupyop, walang tinig kundi
ang pagnguyngoy
Walang nararamdaman kundi ang
luha mo sa malamlam mong mata
Na sa bawat pagkurap, kadiliman
Kailan mo igagalaw ang kuyom
mong kamay
O nais mo bang ihakbang ang
yapak mong paa
Nais mo pa bang ibuka ang tuyo't
mong labi
At sa iyong bibigay hayaang
mamutawi ang poot...
panaghoy...
hinagpis...
Na noon pa ma'y nais nang
kumawala sa iyong dibdib
Kasabay ng mapapait na alaalang
pumupunit sa pagod mong isip
Kailan?
Hihintayin mo pa bang takasan
ka ng ulirat
Ang dugo sa iyong mga ugat
ay matuyo
Ang hininga sa iyong bibig
ay mahinto
Hanggang sa ang panaghoy
mo'y lamunin
ng kadiliman ng itim na langit?